DADALO | Sen. De Lima haharap sa pretrial hearing ngayong araw

Manila, Philippines – Inaasahang sisipot ang nakaditeneng si Senadora Leila De Lima sa pagdinig mamaya sa Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 205.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa kaso ng senadora hinggil sa umano ay pagkalat ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP) noong ito pa ang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Noong huling pagdinig noong August 10 tumanggi si De Lima na maghain ng not guilty plea sa kanyang arraignment dahil hindi nito kinikilala ang umano ay mga gawa-gawang kaso laban sa kanya.


Ayon kay De Lima ang mga kasong inihain laban sa kanya ay imbento at fabricated lamang.

Inaasahang iprepresenta ng kampo ng senadora ang listahan ng kanilang mga testigo sa pretrial case mamaya.

Maging ang panig ng prosekusyon ay inaasahan ding magpepresenta ng kanilang list of witnesses.

Facebook Comments