DADALO | Sen. De Lima muling sisipot sa kanyang arraignment ngayong araw

Manila, Philippines – Dadalo sa pagbasa ng sakdal ang naka detineng si Senadora Leila De Lima sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206.

Ang kaso ay may kaugnayan sa drug charges na isinampa laban sa kanya kaugnay ng umano ay pagkalat ng ilegal na droga noong ito pa ang kalihim ng DOJ.

Dedesisyunan din ng korte ang inihain ng kampo nitomg Motion for Reconsideration (MR) sa sala ni Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206 Judge Navarro-Domingo kaugnay nang isinumite ng kampo ng senadora para ipawalang bisa ang kasong Conspiracy to Commit Illegal Drug Trading.


Maliban dito posible ding ilabas ng korte ang desisyon nito kung papayagan si De lima na makadalo sa oral arguments ng Kataas taasang Hukuman kaugnay ng withdrawal ng Pilipinas sa Rome Statute.

Facebook Comments