KUMPYANSA | Senator Drilon, kumbinsidong alam ni PRRD ang pagpapatalsik kay House Speaker Alvarez

Manila, Philippines – Buo ang paniniwala ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na alam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinlanong pagpapatalsik kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez kung saan ipinalit si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Arroyo.

Reaksyon ito ni Drilon sa mga report na si Presidential daughter Davao City Mayor Sarah Duterte ang nasa likod ng pagbabago sa liderato ng Kamara.

Paliwanag ni Drilon, imposibleng kumilos si Mayor Sarah ng walang basbas ng kanyang ama.


Sa tingin ni Drilon, maging mga kongresista na tinawagan umano ni Mayor Sarah para mapatalsik si Alvarez ay naniwala din na may pahintulot ito ni Pangulong Duterte.

Diin ni Drilon, realidad sa pulitika at base sa kasaysayan ng kongreso, na palaging may kinalaman ang Pangulo sa pagpili sa lider ng mababang kapulungan.

Facebook Comments