Inilunsad ang naturang proyekto sa pamamagitan ng pag-turnover ng Department of Agriculture and Fisheries (DAF)-ARMM ng bungkos ng Cacao production materials at seedlings sa Upian Agri Pinoy Farmers Producers Cooperative sa Darugao, Upi, Maguindanao.
Si DAF-ARMM Secretary Alexander Alonto Jr. ang s’yang nangasiwa sa turnover ceremony at distribution ng mass seedlings sa mga miyembro ng kooperatiba.
Ang Double Up Project ay suporta sa Cacao Production component ng High-Value Crops Development Program ng DAF-ARMM.
Ito ay binubuo ng pagtatatag ng cacao nursery, storage house, water system at ang provision ng 2,500 seedlings ng 5 iba’t-bang varieties ng cacao, farm tools, equipment, materials at farm inputs na nagkakahalaga ng P1.3M
Sinabi ni Sec. Alonto, pakay ng proyekto na mapalago ang kita ng cacao producers sa ARMM, maingat ang antas ng buhay nila sa pamamagitan ng mga kahalintulad na proyekto.
DAF-ARMM, inilunsad ang Double Up Project nito na nagkakahalaga ng P1.3M!
Facebook Comments