UPDATE │ Tatlo sa apat na nasawi sa shootout sa Carmona Cavite, aktibo at dismissed na pulis – PNP AKG Chief Dumlao

Manila, Philippines – Kinumpirma ni PNP Anti-Kidnapping Group Chief, Sr. Supt. Glenn Dumlao na tatlo sa apat na miyembro ng kidnap for ransom group syndicate na nasawi sa shoot out kaninang madaling araw sa Carmona Cavite ay mga pulis.

Isa aniya rito ay aktibo na nakatalaga sa Quezon City Police District habang ang dalawa ay kasama na sa listahan ng mga dismissed na pulis.

Habang ang isa sa napatay ay isang civilian asset.


Ang grupo nila ay dumukot at pumatay sa negosyanteng junket operator sa resorts world na si Carlos Tan na na-identify mismo ng drayber ni Tan.

Kinilala ni Dumlao ang isa sa mga pulis na isang PO3 Estinactoc na suot pa ang relo ng biktima na makita ng mga tauhan ng PNP AKG.

Facebook Comments