DAF at BFAR-ARMM, sumunod na sumalang sa GISA!

Panibagong ahensya na naman ng gobyerno sa ARMM ang sumalang sa ikat-long round ng Governor’s Initiative for Systems Assessment (GISA) na programa ng Hataman administration.
Noong Huwebes nang humarap kay ARMM Governor Mujiv S. Hataman ang mga opisyales ng Department of Agriculture and Fisheries-ARMM at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-ARMM sa pangunguna nina Sec. Alonto Adiong Jr. at Asec. EUGENE B. STRONG.
Sa GISA at sinuring mabuti ni Gov. Hataman ang mga datos na iprinisenta ng naturang ahensa upang i-assess kung ang kanilang mga programa at proyekto ay mahusay na naipapatupad.
Ipinunto ng gobernador na kasama sa implimentasyon ang pagsisiyasat din ng hinggil sa impact ng kanilang mga programa at proyekto sa mga tao.
Ang regular na pagsasagawa ng GISA ay upang ma-monitor ang performance ng ARMM agencies sa pagpapatupad nila ng mga proyekto, paggastos ng kanilang budget, pagsunod sa mga batas at regulasyon.
Ang GISA ay daan din ng regional government upang makagawa ng angkop na hakbang sa issues at concerns na kinakaharap ng bawat ahensya.

Facebook Comments