Misis at Lover, Huli ni Mister sa Hotel

Cauayan, City – Huli sa akto ang isang ginang na may kasamang iba sa loob ng hotel noong nakaraang sabado, Pebrero 17,2018 ganap 12:45 ng hapon.

Batay sa impormasyon ng PNP Cauayan, nakilala ang misis na si Ofella Cacal Pambid, 27 anyos, lady guard ng SM City Cauayan at residente ng Cabaruan, Cauayan City.

Kinilala naman ang kalaguyo ng ginang na kapwa niya security guard sa nasabing mall na si Louie Bayudan Asuncion, may asawa at residente rin ng nasabing barangay.


Lumabas sa imbestigasyon na alas nuebe ng umaga noong araw ng Sabado, palihim na sinundan ng mister na si Christian Paul Pambid, empleyado sa isang pribadong tanggapan, ang asawang si Ofelia sa harap ng isang drug store.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga ito hanggang sa masampal ni mister ang kanyang misis.

Kaagad namang nagtungo sa PNP Cauayan ang inirereklamong misis para ireport ang nangyaring pananampal .

Lingid sa kanyang kaalaman, lihim na nakabuntot pa rin ang kanyang mister na mismong nasaksihan ang ginawang pagsundo ng kalaguyo ng ginang.

Mula umano sa police station ay dumiretso at pumasok ang mga ito sa isang hotel sa barangay San Fermin.

Dito na humingi ng tulong si ginoong Pambid sa mga pulis upang isagawa ang paghuli sa dalawa.

Arestado ang mgakalaguyo na agad dinala sa nasabing istasyon ng pulis matapos maaktuhan sa loob ng hotel.

Pinalaya naman ang ginang ngayong araw makaraang makapag piyansa ng halagang sampung libong piso.

Facebook Comments