Dagdag at kalidad na pagsasanay sa seafarers ng bansa, muling inutos ni PBBM sa CHED at MARINA

Muling nagbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Commission on Higher Education (CHED) at Maritime Industry Authority (MARINA) na dagdagan at gawing kalidad ang pagsasanay para sa seafarers ng Pilipinas.

Ginawa nang Pangulo ang utos sa kanyang talumpati sa pagdalo sa seafarers 2050 conference sa lungsod ng Pasay.

Ayon sa Pangulo, kailangang mahigpit na makipag-ugnayan ang CHED at MARINA sa shipping industry para sa upskilling at reskilling ng mga Pinoy Seafarers.


Ito ay ayon sa pangulo para maihanda sila sa ocean going vessels mula sa paggamit ng conventional fuel sources hanggang sa paggamit ng green ammonia sa pagitan ng taong 2030 hanggang 2040.

Nakikiisa si Pangulong Marcos Jr., sa national government agencies, organizers at private stakeholders na sabay-sabay na magtrabaho para matukoy ang mga strategies at matiyak na makukuha ng mga Pinoy seafarers ang lahat ng requirements ng shipping industry.

Ayon sa Pangulo na inaasahan nyang pagsapit ng taong 2050 ay mas dadami pa ang mga Pinoy seafarers dahil sa mga hakbang na ginagawa ngayon.

Ang ginagawang seafarers 2050 conference ay dinadaluhan ng mga shipowners, ship managers at mga regulators mula sa iba’t ibang bansa.

Dito ay tinatalakay ang mga kailangan pang gawin para mapa-angat ang pagsasanay ng mga seafarers.

Facebook Comments