Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo, nakaamba sa susunod na linggo

Posibleng magpatupad muli ng dagdag-bawas sa petrolyo susunod na linggo.

Batay sa unang apat na araw ng trading, maaaring bumaba ng P0.20 hanggang P0.40 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Taas-presyo naman ang aasahan sa gasolina na maglalaro sa P0.25 hanggang P0.45.


Habang walang inaasahang paggalaw o kaya ay tumaas lang ng hanggang P0.10 ang presyo ng kerosene.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ang oil price adjustment ay bunsod ng espekulasyong palalawigin pa ng OPEC+ ang pagbabawas ng supply ng langis; paghina ng US dollar at pagbaba ng imbentaryo ng Amerika.

Wala namang aasahang taas-presyo sa LPG ngayong buwan.

Facebook Comments