MRT-3, may taas-pasahe sa 2024

Tataas ang pamasahe sa MRT-3 sa susunod na taon.

Ito ang kinumpirma ni Department of Transportation (DOTr) Usec. Timothy John Batan.

Aniya, target ipatupad ang fare increase sa unang quarter ng 2024.


Ang fare adjustment sa MRT-3 ay kagaya rin ng ipinatupad na taas-pasahe sa LRT-1 at LRT-2 noong Agosto ––– ₱2.29 na dagdag sa minimum boarding fee at ₱0.21 na dagdag per kilometer.

Ibig sabihin, magiging ₱16 hanggang ₱34 na ang pamasahe sa MRT-3 mula sa kasalukuyang ₱13 hanggang ₱28.

Paliwanag ni Batan, gagamitin ang fare increase para sa pagsasaayos at pagpapabuti ng mga pasilidad at serbisyo ng MRT-3.

Una nang ipinagpaliban ang taas-pasahe sa MRT kasunod ng apela ni Pangulong Bongbong Marcos sa DOTr na pag-aralan muna ito.

Facebook Comments