Asahan na ang maliit na dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director Rino Abad, maglalaro sa P0.30 hanggang P0.50 ang bawas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Habang mayroong dagdag na P10 hanggang P0.30 sa presyo ng kada litro ang gasolina.
Karaniwang nag-aanunsyo ng price adjustments ang mga kumpaniya ng langis tuwing Lunes, na nagiging epektibo sa susunod na araw.
Nauna nang nagpatupad nitong Disyembre 20 ang mga kumpaniya ng langis ng P0.70 na dagdag presyo sa kada litro ng gasolina, P2.90 sa diesel at P1.65 sa kerosene.
Facebook Comments