Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, asahan na sa susunod na linggo

Asahan na ang panibagong bugso ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa final estimates ng mga taga-industriya ng langis, maglalaro sa ₱1.00 hanggang ₱1.30 ang itataas sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Habang bababa mula ₱0.20 hanggang ₱0.50 ang kada litro ng kerosene.


Posibleng namang walang paggalaw o bumaba ng ₱0.10 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Ilalabas ng mga kumpanya ng langis ang official oil price adjustment bukas, May 29.

Facebook Comments