15, sugatan matapos araruhin ng SUV ang grupo ng mga Pinoy bikers sa Kuwait

Sugatan ang 15 pinoy bikers matapos araruhin ng isang SUV sa Kuwait kahit nasa bike lane ang mga ito.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose de Vega, nasa 30 Pinoy ang kasama sa nasabing bikers group.

Ayon kay De Vega, walo sa mga biktima ang nananatili sa ospital kung saan ang isa ay may brain hemorrhage o may pagdurugo ang utak.


Iniimbestigahan na ng Kuwaiti authorities kung sinadya o aksidente ang nasabing insidente.

Patuloy naman ang koordinasyon ng embahada ng Pilipinas kaugnay sa kaso.

Facebook Comments