DAGDAG BENEPISYO SA ASPETONG MEDIKAL, HILING NG ILANG PANGASINENSE

Hiling ng ilang Pangasinense ang karagdagang benepisyo sa aspetong medikal tulad ng mga maaaring nilang ma-avail sa kanilang mga health insurances tulad na lamang ng PhilHealth.

Ayon sa ilang Pangasinense, dapat umano na magamit sa tama ang kanilang mga kontribusyon kaya dapat umanong mas palawakin pa ang benepisyo sa Philhealth upang maramdaman nila na napapakinabangan ito.

Higit umanong makatutulong kung ang pondong nararapat sa aspetong medikal ay magamit sa tamang pamamaraan dahil sa dami na ring kinakaharap ng mga normal na Pilipino sa araw-araw.

Matatandaan na naglabas ang PhilHealth ng mga karagdagang benepisyo na maaaring ma-avail ng mga miyembro.

Matatandaan na tinututukan ng mga senador ang paglalaanan ng iba pang pondo ng naturang tanggapan upang hindi masayang at sa aspetong medikal lamang dapat na mapakinabangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments