Hinihiling ni Assistant Minority Leader France Castro sa Senado na ikonsidera ang dagdag sa benepisyo ng mga guro na nakapaloob sa 2022 budget.
Kasabay nito ay ikinagalak ng kongresista ang hakbang ng Commission on Elections (COMELEC) na taasan ang honoraria ng mga magsisilbi sa 2022 election sa P3,000 mula sa dating P2,000.
Magkagayunman, umaapela si Castro sa Senado kung saan doon naman tinatalakay ang 2022 national budget na isama ang hirit na dagdag pa na pondo para sa honorarium, travel at food allowances gayundin ang hazard pay para sa mga election service volunteer.
Punto ng mambabatas, dahil may pandemya ay mas mahabang oras ang igugugol ng poll workers dagdag pa ang banta ng COVID-19 na kanilang kakaharapin sa pambansang halalan.
Kabilang sa mga isinusulong na madagdagan ang honoraria na P10,000 para sa mga Chairperson ng Electoral Boards, P9,000 para sa miyembro ng Electoral Boards, P8,000 para sa Department of Education o DepEd supervisor officials, at P7,000 para sa support staff.
Hinihingi rin ang pagtaas sa travel allowance na P5,00120 mula sa kasalukuyang P3,000 at food allowance na P2,500.