Navotas medical and wellness center, bukas na ulit

Bukas na muli ang mga laboratoryo sa Navotas Medical and Wellness Center para muling makapagbigay ng abot-kayang health care services sa mga residente.

Sa anunsyo ng Navotas Local Government Unit (LGU), maaari nang mag-avail ang mga residente ng laboratory services gaya ng CBC, blood chemistry, urinalysis, fecalysis at iba pa.

Sa abiso sa mga NavoteƱo, sinabing nakabalik na ang mga medical technician at laboratory aides na pansamantalang itinalaga sa mega swabbing facility sa Navotas Sports Complex kasunod ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.


Dahil kakaunti na ang COVID cases sa syudad, mas kakaunti na rin ang close contacts na kailangang ma-swab.

Facebook Comments