Dagdag buwis sa mga pagkaing may asin, inalmahan ng mga manufacturers

Manila, Philippines – Inaalmahan ng mga manufacturer ang panukalang inihain ni Masbate Representative Scott Davies Lanete na buwisan ang mga pagkain na may asin gaya ng mga delata, chichirya at processed food.

Giit ni Lanete – layon ng ‘asin tax’ ay pangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan.

Pero dahil tataas ang presyo ng mga maapektuhang produkto ay pumayag si Lanete na ibaba ang ipinapanukalang buwis.


Ayon kay Lanete – ay posible pa ring tumaas ng piso hanggang dalawang piso ang mga pagkaing may asin.

Nanindigan din si Lanete – na tuluyan nang ipagbawal ang mga pagkaing sobrang maaalat pero hindi kasama ang tuyo, daing, table salt at bagoong.

Kinontra naman ito ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate.

Binigyang diin ni Zarate – kung kalusugan ang gustong pangalagaan ay hindi buwis ang sagot.

Facebook Comments