Dagdag honoraria para sa poll workers na nag-overtime noong eleksyon, aprubado na ‘in principle’

Inaprubahan na “in principle” ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang pagbibigay ng dagdag na honoraria ang mga poll workers na nag-overtime noong May 9 elections.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, kabilang sa mga makakatanggap ng dagdag na honoraria ang mga guro, support staff at mga technician na napilitang mag-extend dahil sa mga nagkaaberyang vote counting machines (VCMs) at SD Cards.

Sa ngayon aniya ay pinag-aaralan na ng poll body kung magkano ang ibibigay na dagdag honoraria.


Nauna nang sinabi ni Garcia na nasa P20 million pondo ang inilaan para sa dagdag na honoraria.

Batay sa Election Task Force, nasa 640,000 Department of Education (DepEd) personnel ang nagsilbi bilang poll workers noong May 9 elections.

Facebook Comments