Aprubado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang dagdag na importasyon ng asukal matapos ang rekomendasyon ng Sugar Regulatory Administration o SRA para mapatatag ang presyo ng bigas at maparami ang stock ng gobyerno.
Sa pagpupulong nina Pangulong Marcos at mga opisyal ng SRA, nagkasundo silang muling mag-a-angkat ng 150,000 metric tons ng bigas.
Ayon sa pangulo, ang importasyon ng asukal ay bukas sa lahat ng traders.
Batay sa SRA forecast inventory, ang bansa ay may negative ending stock na 552,835 metric tons sa pagtatapos ng taong 2023.
Ayon pa sa SRA, hanggang nitong May 7, 2023 ay sapat ang supply ng raw sugar sa bansa.
Pero kakailanganin pa ring mag-import ng karagdagang 100,000 hanggang 150,000 metric tons ng asukal para ngayong taon.
Sinabi pa ni SRA acting Administrator Pablo Luis Azcona kay Pangulong Marcos na sa desisyong ito ng pangulo ay magiging masaya ang sugar farmers dahil mananatili ang presyo ng farmgate ng raw sugar na ngayon ay nasa P62 kada kilo, mas mataas sa dating P38 kada kilo.
Para naman mapaganda ang productivity, sinabi ni Pangulong Marcos na inaprubahan niya ang paglilipat ng milling season mula sa buwan ng Agosto ay magiging Setyembre na na magreresulta sa pagtaas ng produksyon ng hangang sa 10 porsyento.