Naantalang promosyon ng 3rd level officers ng PNP, tiniyak na matutuloy

Siniguro ng Philippine National Police (PNP) na matutuloy rin ang mga naantalang promosyon dahil sa courtesy resignations ng 3rd level officers ng PNP.

Ito ang pagtitiyak ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo matapos na malinis ang pangalan ng 917 na mga opisyal ng PNP mula sa iligal na droga.

Ani Fajardo, makukuha ng mga opisyal ang promosyon na nararapat sa kanila lalo na kung wala naman silang kinakaharap na kaso.


Nabatid na kamakailan lang ay walong opisyal ng PNP ang na-promote sa pwesto kung saan tatlo ang umangat sa major general at lima naman ang naging brigadier general.

Samantala, sinabi pa ni Fajardo na hinihintay pa nila ang update sa 32 mga opisyal na sumasalang sa re-assessment ng National Police Commission dahil sa umano’y koneksyon sa iligal na droga.

Facebook Comments