DAGDAG KAALAMAN | #ConsumerPH, inilunsad ng DTI

36

Manila, Philippines – Nilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang #consumerPH, isang social media initiative upang madagdagan ang kamalayan ng mamimili sa bansa.

Sa pamamagitan ng Consumer Protection and Advocacy Bureau (CPAB), ang #consumerPH ay naglalayong mapalakas ang online presence ng DTI sa mga social media platform tulad ng Facebook, Instagram, at Twitter.

Sinabi ni DTI Undersecretary for Consumer Protection Group Teodor Pascua sa pamamagitan ng proyekto, maipapaalam sa mga consumer ang kanilang karapatan at reposnsibilidad at sila ay gagabayan ng mga tips at impormasyon para sa kanilang pamimili.

Facebook Comments