Manila, Philippines – Nagbukas ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng isang online page kung saan pwedeng magpadala ng mga tanong at komento hinggil sa panukalang pederalismo.
Ayon kay DILG Assistant Secretary and Spokesperson Jonathan Malaya, ito ay dahil sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng public consultation at iba’t-ibang online avenues para talakayin ang panukalang federal constitution.
Pwedeng magpadala ng komento, reaksyon, suhestyon at tanong tungkol sa pederalismo sa email address na info@pederalismo.org.ph <INFO@PEDERALISMO.ORG.PH> o magpadala ng mensahe sa DILG center for federalism and constitutional reform team sa facebook page na pederalismo.
Bukod sa information drive sa pederalismo at pagkakaroon ng roadshows sa mga rehiyon, ang nasabing online page ay para sa dagdag na public awareness.
Layon ng hakbang na bigyan ang publiko ng matalinong pag-unawa sa federalism.