Dagdag Kaalaman Sa Mga Kabataan Sa Probinsya, Target Ng Tambalang Poe-Escudero

14

MANILA – Target ng tambalang Senadora Grace Poe at Senador Chiz Escudero na makapagbigay ng dagdag kaalaman sa mga kabataan sa probinsya.Maglalagay sina Poe at Escudero ng halos 500 audio-visual room sa mga pampublikong elementarya at hayskul.Bukod dito, layon din ng tambalang Poe-Escudero na maging “career coach” at “business adviser” ng mga kabataan sa buong bansa ang “Gobyernong may Puso”.Aatasan ang Department of Labor and Employment at Department of Education na maging “career coach” sa pamamagitan ng matalinong paggabay sa mga kabataan sa tatahaking propesyon.Habang tatayo naman ang Department of Trade and Industry bilang “business adviser” ng mga kabataang gustong magtayo ng sariling pagkakakitaan.

Facebook Comments