Mga Opisyal Sa Surigao Del Sur, Sinalubong Ang Pagbisita Ng Liberal Party

12

SURIGAO DEL SUR – Mainit na sinalubong ng mga taga-Surigao Del Sur ang tambalang Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas at running-mate Leni Robredo.Sa isang multi-sectoral assembly, nagpahayag ng solid na suporta ang mga pinunong-lokal at residente ng probinsya na dumagsa sa Tandag City Gymnasium.Sa harap nina Surigao Vice Governor Manuel Alameda, dating Congessman Prospero “Butch” Pichay, mga alkalde, bokal, konsehal at mga pinunong-barangay, ikinuwento ni Roxas kung paano niya naisulong sa senado ang Cheaper Medicines Act sa tulong ni Pichay sa kamara.Inisa-isa din ng pambato ng Daang Matuwid ang mga programang isinulong niya bilang DILG secretary para sa kapakanan ng mamamayan at komunidad gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), BUB at Philhealth.Nanindigan si Roxas na ipagpapatuloy nila ni Rep. Leni Robredo ang mga nasimulang programa para sa kapakanan ng mas nakararaming mamamayan.

Facebook Comments