Dagdag na 20 pesos sa minimum wage ng mga manggagawa, Tututukan ng DOLE Region 2!

Cauayan City, Isabela- Patuloy parin ang gagawing inspeksyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2 sa mga kompanya na hindi sumusunod sa dagdag na dalawampung piso (20.00) sa kada araw na minimum wage ng mga manggagawa.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni DOLE Regional Director Atty. Sarah Mirasol, kung saan noong November 25, 2018 pa anya nagsimula ang bagong wage order para sa mga manggagawa.

Ayon kay Mirasol, dapat iniimplimenta na ng mga employer ang pag-aadjust ng sahod ng kanilang mga empleyado.


Bukas rin anya ang kanilang tanggapan at handang tumulong para sa mga nais magdulog ng hinaing na may kaugnayan sa trabaho.

Samantala, plano rin umano ng DOLE na magkaroon ng ‘employers forum’ nitong buwan ng Enero na isasagawa sa bawat probinsya upang mabigyan ng kaalaman ang mga employer hinggil sa mga bagong labas ng DOLE na may kaugnayan sa mga usapin at dagdag na minimum wage ng mga mangagawa.

Facebook Comments