Dagdag na alokasyon ng tubig sa Metro Manila, inaprubahan ng NWRB

Inaprubahan ng National Water Resources Board ang 52 cubic meters per second water allocation na hiling ng mga water concessionaire sa Metro Manila.

Ayon kay Metroplitan Waterworks and Sewerage System Administrator Leonor Cleofas, mapupunta ang dagdag na dalawang cubic meters sa Maynilad dahil wala namang problema sa suplay ng tubig ang Manila Water.

Habang pagkakahatian naman ng dalawang water concessionaire ang 50 cubic meters allocation na unang inaprubahan ng NWRB.


Samantala, sinabi ni NWRB executive director Sevillo David Jr. na kakayanin ng Angat Dam na suplayan ng tubig ang Metro Manila at kalapit na probinsya hanggang Disyembre.

Facebook Comments