Manila, Philippines – Naniniwala ang isang Kongresista namababalewala ang layunin ng dagdag na excise tax kung hindi naman maayos angkoleksyon ng buwis ng gobyerno.
Ito ang iginiit ni Negros Oriental Cong. Arnulfo Teveskung saan pabor pa sa smugglers at mga tiwaling revenue collectors ang gagawinng administrasyon.
Binanggit ni Teves ang pag-amin ni Finance Usec. KarlChua sa pagdinig ng kamara na kayang makalikom ng gobyerno ng P230 billion kadataon kung matitiyak ang episyenteng pangongolekta ng buwis.
Mas malaki pa anya ito kumpara sa P214 billion na targetcollection mula sa ipapataw na 6 na piso kada litrong excise tax sa produktongpetrolyo.
Kaya naman giit ng Kongresista, ayusin muna ang koleksyonbago magpataw ng bagong buwis.
Dagdag pa nito, sa ordinaryong mamamayan lang ang tama ngtax reform dahil tiyak na magmamahal ang pamasahe at tataas ang presyo ng mgabilihin.
Dagdag na buwis, balewala kung hindi maayos ang koleksyon- Kongresista
Facebook Comments