Dagdag na buwis sa sigarilyo, dapat ibuhos lahat sa UHC

Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na 100 porsyentong gugulin sa implementasyon ng Universal Health Care Law ang ipapataw na dagdag buwis sa sigarilyo.

Diin ni Drilon, sa ganitong paraan ay matitiyak na papakinabangan ng buong bansa ang itatataas sa buwis ng sigarilyo.

Tinatayang aabot sa 15-Billion pesos ang makokolekta mula dito na kung tutuusin ayon kay Drilon ay hindi pa sapat para masuportahan ang UHC program.


Base sa report ng Department of Finance,  P257 Billion ang pondong kailangan sa UHC program kung saan P195 Billion lamang dito ang magmumula sa General Appropriations Act.

Ang panukalang increase sa tobacco tax ay target maipasa ng senado sa Lunes, June 3.

Facebook Comments