Pharmacy Assistant na Wanted sa Batas, Kalaboso!

Alicia, Isabela- Arestado ng mga otoridad ang itinuturing na Top 1 Most Wanted Person ng bayan ng Alicia, Isabela.

Kinilala ang akusado na si John Mark Gervacio, 24 anyos, binata, at residente ng Brgy. Apanay, Alicia, Isabela.

Hinuli si Gervacio sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Branch 19 Cauayan City, Isabela dahil sa kasong 5 counts Qualified Theft.


Dinala na sa Alicia Police Station ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at disposisyon.

Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapag piyansa ng halagang P24,000.00 sa bawat kaso.

Facebook Comments