Dagdag na diskwento at paglibre sa VAT sa buwanang bayarin ng mga senior citizen sa tubig at kuryente, lusot na sa Kamara

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na layong bigyan ang mga senior citizen ng mataas na diskwento at ilibre sa pagbabayad ng value added tax (VAT) sa singil sa kuryente at tubig.

Sa botong 203 na pabor at walang tumutol ay pinagtibay na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 10568.

Ang panukala ay nag-aamyenda sa (Section 4) Republic Act 7432 o Expanded Senior Citizens Act of 2021.


Sa panukala ay itataas sa 10% ang diskwento sa buwanang binabayarang kuryente at tubig ng mga senior citizens at i-e-exempt din ang mga ito sa pagbabayad ng VAT.

Kabilang sa requirements para maka-avail ng discount at exemption sa VAT ang isang nakatatanda ay nakarehistro sa pangalan ng senior citizen ang metro ng kuryente at tubig, at hindi naman hihigit sa 150 kWh ang kunsumo sa kuryente habang hanggang 30 cubic meters naman sa tubig.

Ang nasabing pribilehiyo ay para sa kada “household” kahit ilan pa ang senior citizen, at kung ang rehistradong nakatatanda ay patuloy na nakatira sa naturang tahanan o address.

Facebook Comments