Bagong executive director ng NCCA, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte

46

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Oscar Casaysay bilang executive director ng National Commission for Culture and the Arts (NCAA).

Ito ang kinumpirma ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Bago ang kanyang appointment sa NCCA, si Casaysay ay dating nang nagsilbing consultant ng isang gobernador sa Davao Occidental simula 2016 hanggang 2021.


Samantala, nagpaabot naman ng good luck wish ang Palasyo sa bagong assignment na ito ni Casaysay at umaasang lalo pang mapagyayabong at maisusulong ang sining at kultura ng Pilipinas.

Pirmado ni Pangulong Duterte ang appointment paper nitong ika-10 ng Enero, 2022.

Facebook Comments