Inihayag ngayon ng Department of Agriculture (DA) na tuloy-tuloy na ang dating ng suplay ng buhay na baboy sa Metro Manila mula sa Mindanao.
Ayon kay Agriculture Regional Executive Director Arlan Mangelen, may 1,015 baboy ang darating pa sa Maynila sa mga susunod na araw.
Pinakahuling umalis kahapon ng hapon sa Acmonan, Tupi, South Cotabato ang anim na truck na may dalang 655 na baboy mula sa QPigs Farms.
Kasunod lang ito ng 360 baboy na unang ipinadala sa Metro Manila sakay ng 2Go Cargo Ship.
Ang unang shipment na 2,000 baboy na nagmula sa General Santos City noong February 12 ay darating sa Metro Manila sa Martes.
Facebook Comments