Dagdag na honoraria ng mga gurong maglilingkod sa 2022 elections, maaapektuhan ng budget cut sa Comelec

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na sisikapin nila na makuha ang suporta ng mga mambabatas para mabawi ang tinapyas na pondo ng Comelec para sa 2022.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, 64% ng kanilang budget na natapyas ang nais nilang maibalik.

Kritikal aniya ito dahil gagamitin ang pondo para sa gastusin ng Comelec sa mismong araw ng eleksyon kasama na ang honoraria para sa mga guro.


Mula sa 47 billion pesos budget ay nasa 20 billion pesos lamang ang pinayagan sa kanila ng Budget Department.

Nagbabala pa ang Comelec na kung hindi maibibigay nang buo ang hiling na pondo ng poll body, malabong maibigay nila ang hirit ng Department of Education (DepEd) na dagdag honoraria para sa mga guro na magsisilbi sa halalan sa susunod na taon.

Facebook Comments