Dagdag na Hospital Bed ng CVMC, Aprubado na sa Senado

Cauayan City,Isabela- Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang kahilingan ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) para sa dagdag na bed capacity ngayong humaharap ang bansa sa pandemya.

Ito ay matapos ihain ni Senator Imee Marcos ang Senate Bill no. 1103 na layong higitan ang kasalukuyang bed capacity na 500 hanggang sa 1,000.

Ayon sa pamunuan ng CVMC, malaking tulong ang karagdagang hospital bed lalo pa’t isa ang ospital sa mga patuloy na tumatanggap ng mga COVID-19 patient.


Nagpasalamat naman si Dr. Baggao kay 3rd District Congressman Jojo Lara at Senator Marcos sa maagap na pagtugon para dito.

Facebook Comments