MWSS, naglabas ng show cause order laban sa Manila Water at Maynilad

Inisyuhan ng show cause order ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang Maynilad at Manila Water dahil sa mga reklamo sa kanilang serbisyo.

Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, pinagpapaliwanag nila ang dalawang water concessionaires makaraang makatanggap sila ng apatnaraang reklamo mula sa water consumers.

Kabilang sa mga dapat ipaliwanag ng mga ito ay ang hindi pagberipika sa concession patterns ng mga customer, mga iregularidad at pag-hold sa statement of accounts patungkol sa biglaang pagtaas sa singil sa konsumo sa tubig.


Binibigyan hanggang sa araw ng Linggo ang Manila Water at Maynilad upang magsumite ng kanilang paliwanag.

Facebook Comments