DAGDAG NA KAALAMAN AT MGA KASANAYAN PARA SA MGA BOATMAN SA LUNGSOD NG ALAMINOS, ISINAGAWA

Para mabigyan ng karagdagang kaalaman at kasanayan ang mga boatman sa lungsod ng Alaminos ay nagsasagawa ng limang araw na Orientation for Boatman on Ordinance No. 2018 -11 (Drop Off & Pick-Up Scheme), Safety Orientation and Emergency Preparedness.
Naglalayon ang aktibidad na ito para sa mga bangkero sa lungsod na mabigyan sila ng dagdag na kaalaman at kasanayan sa pagtukoy sa kaligtasan, kalusugan at maging mga panganib sa kapaligiran.
Sa aktibidad rin na ito ay makatutulong sa mga bangero sa pagtukoy ng naaangkop na mga hakbang sa pagkontrol, at pagbuo at pagpapatupad ng mga patakaran at programa ng Occupational Safety and Health.

Isa sa mga nanguna sa programang ito ay ang ng City Tourism Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office at Bureau of Fire Protection Alaminos.
Ang Lokal na Pamahalaan naman at alkalde ng lungsod ay nagpapasalamat sa pagsasagawa ng mga ganitong klase ng aktibidad para sa kanilang mga kababayang bangkero at maging nagbigay rin ng kaalaman sa mga boatman. |ifmnews
Facebook Comments