Hinikayat ni Senator Raffy Tulfo ang Hudikatura na lumikha ng mas marami pang korte at dagdagan ang mga judges sa buong bansa.
Ito ay para makatulong sa pagpapabilis ng disposition process sa lahat ng mga nakabinbing kaso at para ma-decongest o lumuwag ang mga kulungan at detention centers.
Pinakikilos ni Tulfo ang Judiciary na agad i-assess ang mga lugar na kulang sa mga hukom at court houses.
Sa ganitong paraan ay matutulungan din ang mga mahihirap at mga inosenteng indibidwal na nakapiit dahil sa nakabitin pang mga kaso at walang pampiyansa para sa pansamantalang kalayaan.
Puna ng mambabatas, marami aniyang persons deprived of liberty o PDLs ang nakakulong sa mga city jails na walang kasalanan na nakadagdag sa pagsisikip ng mga bilangguan dahil sa mabagal na pagdinig sa kanilang mga kaso.
Para naman masuportahan ang panawagang ito ay nauna na ring naghain si Tulfo ng Senate Bill 214 na layong i-modernize ang Hudikatura.