Labim-pitong milyong pisong halaga ng shabu at liquid marijuana, nasabat ng mga otoridad sa Pasay

Nasabat ng mga otoridad ang aabot sa labim-pitong milyong pisong halaga ng shabu at cape catridges na naglalaman ng liquid marijuana sa anim na inabandonang parcels sa Pasay City.

Ayon sa NAIA Inter-Agency Drud Interdiction Task Group, nakuha nila ang mga kontrabando sa isang warehouse kung saan idineklara ito bilang taekwondo equipment at tamarind candy.

Tinatayang nasa dalawa’t-kalahating kilo ng droga ng shabu ang nasabat.


Habang nadiskubre rin sa parcel ang 45 na piraso ng vape cartridges na naglalaman ng liquid marijuana na idineklara bilang multi-vitamins, lip balms at herbal tea.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabat na droga.

Facebook Comments