Good news, makukuha na simula bukas ang P1,000 na dagdag sa SSS pension ng mga retiradong miyembro nito.
Ayon sa SSS – umabot sa P2 bilyon ang naideposito na ng ahensya at bukas ay available na ito para ma-withdraw ng aabot sa dalawang milyong pensyonado.
Magugunitang retroactive ang inaprubahang dagdag pensyon o mula buwan ng Enero ngayong taon.
Kaya ang sunod na dagdag na tig-isang libo pa ay ibibigay naman ng SSS sa March 10 at 17.
Facebook Comments