Dagdag na pamilihan para sa mga oversupply na produkto, itatakda ng DA

Maglalagay ng karagdagang pamilihan ang Department of Agriculture (DA) na tutulong sa mga magsasakang naluluging ibenta ang kanilang produkto dahil sa sobrang suplay.

Ayon kay DA Sec. William Dar, kailangang magkaroon ng matatag na trading post ang gobyerno lalo na ngayong sunod-sunod ang pagkalugi ng ilang magsasaka.

Nabatid na bumagsak sa 2 pesos hanggang 5 pesos ang kilo ng kamatis, habang 15 pesos hanggang 20 pesos naman ang sa carrots nitong nakaaraang linggo dahil sa oversupply at wala nang namimili.


Facebook Comments