Dagdag na Pondo para sa Kontrobersyal na Ilagan City-Divilacan Road, Ipinaliwanag ng Gobernador

Cauayan City, Isabela- Sinagot na ni Isabela Governor Rodito Albano III ang usapin sa inaasahang dagdag na pondo sa pagsasaayos ng kontrobersyal na Ilagan City-Divilacan Road.

Ayon kay Albano, batay sa ginawang pag-aaral ay mangangailangan ng halagang P700 million ang gagawing re-routing makaraang maapektuhan ng pagguho ng lupa ang ginagawang konstruksiyon sa nasabing daan.

Aniya, tinatayang nasa dagdag na 20-kilometer ang re-routing na gagawin base sa pag-aaral subalit hindi pa naman ito pinal at pinag-aaralan pa ng mabuti.


Bukod dito, dati na ring inanunsyo ng gobernador sa apat (4) na coastal town ng Isabela ang pagbibigay ng pamasahe palabas at pabalik ng bayan sakay ng eroplano upang makatipid kahit papaano ang mga bibiyaheng residente subalit hindi ito 100 porsyento ng pamasahe.

Tingin pa ng opisyal na kinakailangan talaga ang dagdag na pondo na posibleng umabot sa kalahating bilyong piso para sa gagawing alternatibong daan.

Una nang binatikos ng dating alkalde ng Angadanan na si Manuel ‘Noli’ Siquian ang umano’y maanomalyang paglalan ng pondo sa nasabing kontrobersyal na daan.

Facebook Comments