Nagpadala ng karagdagang pwersa ang Philippine National Police (PNP) sa Abra at iba pang lugar para tumulong sa ating mga kababayan na apektado ng lindol.
Pinangunahan ni PNP Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr., ang send-off ceremony sa Kampo Krame para sa deployment ng mga pulis na mamamahagi ng ayuda tulad ng tubig at pagkain.
Mismong si Danao ang nagkusa na magpadala ng team sa Abra para tulungan ang mga residente doon.
Ayon pa kay Gen. Danao, mahalaga ang relief goods na dala-dala ng mga pulis dahil wala pa ring sapat na suplay ng pagkain at tubig sa mga lugar na niyanig ng lindol.
Samantala, nanawagan naman ang PNP sa New People’s Army na huwag galawin ang mga tropa ng pamahalaan na mamimigay ng tulong sa mga apektadong komunidad.