Manila, Philippines – Tiniyak ni House Appropriations Committee Chairman Karlo Alexei Nograles na aaprubahan agad ng Kamara ang dagdag na sahod ng mga pulis at sundalo.
Ayon kay Nograles, sa muling pagbabalik ng sesyon sa Nobyembre a trese ay walang kahirap-hirap na mailulusot ang 100 porsyentong umento sa sahod ng AFP at PNP.
Ipinakita na aniya ng mga sundalo at pulis ang kakayahan ng mga ito nang durugin ang Maute group sa Marawi City kaya wala na marahil sasalungat pa sa isinusulong na dagdag sahod.
Sinabi pa ng kongresista na ang Budget Department na rin ang nagsabi na inendorso na ng malakanyang sa dalawang kapulungan ang draft resolution para dito.
Siniguro ding mapopondohan ang dagdag sahod dahil mayroong alokasyon para dito sa ilalim ng 84.4 Billion miscellaneous personnel benefits fund sa 2018.