Researcher ng USM Kabacan patay sa road accident

Pumanaw na ang research assistant ng University of Southern Mindanao (USM) Kabacan matapos mahagip ng motorsiklo na kabilang sa nagda-drag race sa loob ng compound ng USM Kabacan sa North Cotabato.
Kinilala ang nasawi na si Jerry Necesito, residente ng Barurao, sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat Province.
Ang insidente ay nangyari sa tapat ng isang gusali na nasa loob ng paaralan sa USMARC road noong nakaraang araw ng Miyerkules. Nakaparada lamang ang motorsiklo ng biktima ng ito ay mahagip ng mga nag da drag race na mga estudyante. Sa lakas ng pagkakahagip ay tumilapon ang biktima at nabagok ang kanyang ulo .
Agad namang isinugod ang biktima sa pagamutan sa Kidapawan City at inilipat din sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City at ipinasok sa ICU subalit nitong araw ng Sabado ay binawian din ito ng buhay.(Amer Sinsuat)
.

Facebook Comments