Dagdag na sahod sa mga guro, isusulong sa 19th Congress

Tiniyak ng isang kongresista na kasama sa isusulong sa 19th Congress sa pagrepaso ng K-12 program ay ang dagdag na sahod para sa mga guro.

Ayon kay ACT Teacher Party-list Representative France Castro, maraming kaakibat na isyu at hindi lamang ang sistema sa edukasyon ang itinutulak na review sa K-12 program.

Kasama aniya sa dapat mabigyan ng solusyon ang kakarampot na sahod ng mga guro at iba pang education personnel gayundin ang kakulangan sa mga pasilidad para matugunan ang banta ng pandemya, sobra-sobrang trabaho para sa mga guro at iba pa.


Iginiit ng kongresista na taon-taong tumataas ang pondo para sa K-12 pero hindi naman nareresolba ang mga nabanggit na problema.

Giit pa ni Castro, hindi napagbuti ng K-12 program ang curriculum ng basic education bagkus ay nadagdagan lamang ng dalawang taon ang high school.

Facebook Comments