Dagdag na subsistence allowance para sa mga sundalo, ipinag-utos ni PBBM

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na dagdagan ang subsistence allowance ng mga military personnel kada araw.

Batay sa Executive Order No. 84, itinaas sa ₱350 kada araw ang subsistence allowance ng mga military personnel mula sa dating ₱150, epektibo simula January 1, 2025 kasunod ng rekomendasyon ng Department of National Defense at Department of Budget and Management.

Nabatid na 2015 pa nang huling nagkaroon ng adjustment ang subsistence allowance ng Armed Forces of the Philippines o AFP.


Nakasaad sa EO, hindi na sapat ang kasalukuyang allowance upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga sundalo.

Makikinabang sa dagdag allowance ang mga opisyal at enlisted personnel ng AFP, pati na rin ang mga trainees, probationary 2nd lieutenants, mga miyembro ng CAFGU, at mga kadete.

Huhugutin ang pondo para dito sa available appropriations ng AFP sa ilalim ng General Appropriations Act of 2025.

Facebook Comments