Mga taga suporta ni dating Pangulong Duterte, magsasagawa ng motorcade mula sa Monumento papuntang Maynila

Idaraan sa Motorcade Caravan ang panawagan ng mga taga suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang hilingin na ibalik sa Pilipinas ang dating Pangulo ng bansa

Magsasagawa kasi ng Motorcade Caravan ngayong alas-12 ng tanghali ang ilang tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw na magsisimula sa Monumento patungong Liwasang Bonifacio upang magsagawa ng Prayer Rally.

Ang naturang hakbang ay bilang suporta ng grupo sa panawagan na ibalik sa bansa ang dating pangulo matapos itong ilipad sa The Hague, Netherlands kasunod ng pag-aresto sa kaniya ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity.


Ayon sa grupo, unang nagtipon-tipon ang grupo sa Monumento daraan sila sa 11th Avenue, Boni Serrano, liliko sa Quezon Ave, didiretso sa España at Quiapo patungong Liwasang Bonifacio upang doon isasagawa ang kanilang Prayer Rally.

Ilang mga tagasuporta naman mula sa Silangan gaya ng Rizal at Pasig ang nakatakda rin salubungin ang kabilang grupo sa Quezon Avenue mula sa Temple Drive.

Facebook Comments