DAGDAG NA SUPPLY | NFA, mag-aangkat muli ng 250,000 na bigas bilang supply sa lean months

Manila, Philippines – Ibinigay na ng National Food Authority (NFA) ang award sa limang supplier mula sa Thailand at Singapore para sa pagsu-supply ng 250,000 metrikong toneladang bigas sa Pilipinas.

Ito ay sa pamamagitan ng Government-to-Private (G2P) procurement program.

Ayon kay NFA Administrator Jason Aquino, ang aangkating bigas ay magiging dagdag sa stocks ng ahensya sa panahon ng lean months sa magsisimula sa hulyo hanggang setyembre.


Inaasahang darating ang rice imports bago magtapos ang buwan ng Hulyo.

Pagtutuunan din ng NFA ang distribution ng government-subsidized rice sa mga pampublikong pamilihan.

Nabatid na dumating na nitong Hunyo 2 ang 320,000 bag ng bigas mula Vietnam.

Facebook Comments