Manila, Philippines – Pinayagan na ng gobyerno na mag-angkat ng 200,000 metriko toneladang asukal ang Sugar Regulatory Administration (SRA).
Ito ay para punan ang kakulangan sa supply sa bansa ng asukal na nagdudulot ng pagtaas sa presyo nito.
Paliwanag ni SRA Administrator Hermenegildo Serafica, bumaba ng 14.24 porsiyento ang produksiyon ng raw sugar kumpara noong nakaraang taon habang tumaas ang konsumo nito.
Giit ni Kissinger Sy, Pangulo ng Philippine Confectionery, Biscuit and Snack Association, kapag nagpatuloy ang pagtaas ng presyo ng asukalmapipilitan ding magtaas ng presyo ang mga manufacturer ng mga produktong gumagamit ng mga ito, gaya ng tinapay at biskuwit.
Pero ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, hindi dahilan ang kakulangan ng supply sa asukal para magkaroon ng taas-presyo sa tinapay.