Dagdag na testimonya ng OSG laban kay VP Robredo, ibinasura ng DOJ

Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang dagdag sanang testimonya ng Office of the Solicitor General (OSG) sa isinasagawang imbestigasyon ng sedition complaint laban kay Vice President Leni Robredo at 32 iba pa.

Nauna nang naghain si Assistant Solicitor General Angelita Miranda ng mosyon para magdagdag ng tatlo pang witness pero lampas na ito sa deadline.

Nais sana ng OSG na tawagin sa Korte si Atty Jude Sabio, dating Whistleblower Guillermina Arcillas na syang nagsampa ng kaso laban kina dating Senador Antonio Trillanes IV at Perfecto Tagalog na nagsabing sinubukan umano ni Trillanes na idawit siya sa anak ng pangulo na si Congressman Paolo Duterte ukol sa rice smuggling.


Samantala, pinaalalahanan naman ni Assistant State Prosecutor Gino Santiago ang OSG na ang sedition charge na kanilang isinampa ay base lamang sa testimonya ni peter joemel advincula alias ‘Bikoy’.

Facebook Comments